BPI, pinayuhan ni Sen. Poe na maglabas ng report kaugnay sa naging problema sa sistema nito

164

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senator Grace Poe sa Bank of the Philippine Islands o BPI na kahapon ay nakaranas ng internal data processing error.

Naniniwala si Senator Poe na maiaayos ng lubos ng BPI sa lalong madaling panahon ang anumang problema sa sistema nito dahil subok naman na ang track record nito.


Gayunpaman, iginiit ni senator poe sa BPI na maglabas ito ng report sa publiko upang mapawi ang agam agam ng mga kliyente nito.

Paliwanag ni Sen. Poe, mahalagang malaman ng mga nagtitiwala sa BPI kung ano ang tunay na nangyari, kung nagkaroon lang ba talaga ng internal problem sa information technology ng banko o nabiktima ito ng hacking.

Kasabay nito ay pinayuhan naman ni Sen. Poe ang mga customers ng BPI na huwag magpanic dahil may mga advisory naman na inilalabas ang BPI na tumitiyak na maibabalik sa normal sa ang kanilang sistema.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments