Higit 20 pamilya na apektado ng landslide sa Western Bicutan, nasa maayos ng kalagayan – Taguig LGU

Nasa maayos ng kalagayan ang higit 20 pamilya na apektado ng landslide ang nanatili sa Nabua Covered Court.

Ito’y matapos mag-iba ang isang perimeter wall at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Egay.

Ayon sa Taguig Local Government Units (LGU) walang nasaktan o namatay na indibidwal mula sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng lugar at nasagawa na rin ng pre-emptive evacuation sa Nabua Covered Court upang masiguro ang kanilang kaligtasan at wala nang malagay pa sa panganib.


Pansamantala munang isinara ang bike lane at outermost lane ng C5 Road na katabi ng lugar ng insidente upang mabawasan ang pagyanig ng lupa na maaaring magdulot ng karagdagang pagguho.

Samantala, Kasalukuyang ginagawa ang assessment ng mga engineer ng City of Taguig, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Parkway Clearing Group (MPCG) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang agad na ma-reinforce ang pader na gumuho at malinis ang lupa at debris sa landslide area.

Pinapaalalahanan din ang lahat na maging alerto sa panahon ng may bagyo at agad na tumawag sa hotline ng lungsod (8-789-3200) kung may emergency, bukad rin ang City Engineering Office sa nais magsangguni ng mga napupunang problema sa istruktura o kinatatayuan ng mga tahanan, opisina, o gusali.

Facebook Comments