PBBM, agad na dadalo ng aktibidad sa Cebu pagkatapos ng 3 araw na state visit sa Malaysia

Agad na bibyahe ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Cebu ngayong araw mula sa tatlong araw na state visit sa Malaysia.

Ang pangulo at kanyang delegado ay dumating sa bansa kagabi sakay ng Philippine Airlines 001.

Tuloy tuloy ang trabaho nito dahil dadalo ito ngayong araw sa 3rd APEC Business Advisory Council o ABAC meeting.


Gagawin ito sa Hall B, 2nd Floor, Nustar Convention Center, Cebu City alas-10:00 ng umaga.

Pagkatapos nito dadalo ang pangulo sa inagurasyon ng National Museum of the Philippines – Cebu.

Ito ay gagawin partikular sa Old Customs House, Plaza Independencia, Cebu City ala-1:35 ng hapon mamaya.

Facebook Comments