HIGIT 20 PINANGANGAMBAHANG NAMATAY DAHIL SA TIGDAS ISANG BAYAN SA SARANGANI

[image: IFM 919 Logo (1).jpg]
GENERAL SANTOS CITY – Higit dalawampu ang pinangangambahang namatay dahil sa tigdas sa isang bayan sa Sarangani habang labinlima pa ang isinugod sa RO Diagan Cooperative Hospital dito sa Gensan dahil din sa naturang sakit.

Naka-isolate sa tatlong silid ng ospital ang mga pasyente dahil may pantal ang kanilang mga braso, binti at mukha at halos sa naka-confine ay mga menor de edad at isang pitong buwan na buntis.

Ayun kay Chairman Boyet Ogan ng Upper Suyan, Malapatan noong November 5 nang may unang nagkasakit sa anim nilang sityo sa may Datal Nai, Alna, Lower at Upper Kyogam, Mahayag at Lino.


Sa dalawamput-tatlong na-ospital mula sa nasabing munisipyo labin-lima ang kumpirmadong may tigdas habang labing-pito naman ang naiulat na namatay.

Dahil sa insidente napabakunahan na ang halos limang-daang residente kontra tigdas.

Nabigyan na rin nang paunang tulong ang mga apektado.

Nangangapa pero patuloy ang pag-assess ng Municipal Health Office.

Facebook Comments