Higit 20, sugatan sa Ilocos Norte dahil sa lindol

Iniulat ng Ilocos Norte Provincial Police Office na nakapagtala sila ng 26 na sugatan sa lalawigan sanhi ng lindol kagabi na ang sentro ay ang katabing lalawigan ng Abra.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, pinakamarami ang naitalang sugatan sa bayan ng Marcos na nasa 13; habang 8 ang sugatan sa Dingras, 3 sa Batac, isa sa San Nicholas, at isa sa Laoag.

10 biktima ng lindol ang nailigtas ng mga pulis kung saan 4 dito ang nasagip mula sa rescue operations sa isang dormitoryo sa Batac, Laoag at ang 6 ay mula sa mga kabahayan sa Dingras.


Naka-deploy na ang 150 search and rescue teams mula sa iba’t ibang istasyon sa lalawigan para sa nagpapatuloy na operasyon.

Samantala, sa ngayon naka ka-full alert ang Ilocos Norte PPO, kasabay ng pagsasagawa ng inspeksyon sa mga napinsalang pasilidad ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan.

Facebook Comments