PAGPUKSA SA NALALABING MIYEMBRO NG NPA, TARGET NA MATAPOS NGAYONG TAON

Binigyang diin ni BGen Audrey L Pasia, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na patuloy ang kanyang suporta at patnubay sa lahat ng Startroopers sa kampanya laban sa insurhensiya sa nasasakupan nito.

Ito ay para mapuksa ang mga natitirang kasapi ng Communist Terrorist Group o CTG sa mga lugar na sakop ng 5ID bago pa matapos ang taong 2022.

Sinabi rin ng heneral, habang nakatutok ang bawat isa sa pagtupad sa misyon ng 5ID, titignan pa rin nito ang kapakanan ng bawat sundalo ganun din ang pamilya ng mga ito.

Pinayuhan din ang startroopers na ingatan ang sarili para patuloy na makapagsilbi sa bayan at makapagbigay ng tulong at pagmamahal sa kapwa.

Bukod sa hamon sa mga kasundaluhan, hinikayat din niya ang Civilian Human Resources na tulungan ang mga uniformed personnel sa pagkamit ng pinakamagandang inaasama ng 5ID.

Hiniling din ng heneral ang pagkakaisa para sa pagkamit ng mithiin na matuldukan na ang insurhensiya sa bansa.

Facebook Comments