HIGIT 200 BIIK, IPINAMAHAGI SA MGA HOG RAISERS NG ISABELA

Tinatayang nasa mahigit 200 biik ang ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) sa pamamagitan ng kanilang Livestock Program sa mga ilang hog raisers sa mga bayan ng Isabela na wala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ang mga bayan ng Quirino, Burgos, Jones, San Agustin, Santiago, at Cauayan ay natukoy ng DA na pagkalooban ng mga biik at 801 na sako ng starter, fattener, at finisher commercial feeds para sa repopulasyon ng mga baboy.

Nakatakda rin ang DA RFO na mamahagi pa ng nasa 270 na biik sa 12 bayan ng Nueva Vizcaya sa Oktubre 7, 2022.

Ayon kay Dr. Bryan Sibayan, DA Region 2 livestock program coordinator, ang mga magsasaka na tumanggap ng mga biik ay naipasa ang lahat ng kinakailangan para sa sentinel at biosecurity protocol sa kumpirmasyon ng local at provincial veterinarians.

Isa ang lalawigan ng Isabela sa mga lubos na naapektuhan ng ASF sa lambak ng Cagayan.

Facebook Comments