Mahigit 200 displaced Public Utility drivers at operators ang nabigyan ng benepisyo sa ilalim ng entrepreneurship program ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Tumanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P30,000 ang mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Layon nito na maibigay ang pangangailangan ng PUV drivers at operators na apektado ng PUV modernization program ng pamahalaan.
Pinamili rin ang mga tsuper at operator kung anong livelihood package ang kanilang gusto, gaya na lamang ng bigasan; nego-kart; carwash package; o carinderia.
Sa pamamagitan ng programa,matutulungan ang PUV drivers at operators na maiangat ang kanilang kita at pamumuhay.
Facebook Comments