Andas at imahen ng Poong Itim na Nazareno, hindi nagtamo ng anumang pinsala sa Traslacion kahapon

Hindi nagtamo ng anumang pinsala ang Andas at imahen ng Poong Itim na Nazareno sa idinaos na Traslacion kahapon, January 9.

Ito ang tiniyak ng simbahan ng Quiapo sa kabila ng mga pangamba na posibleng naapektuhan ang imahen sa dami ng mga sumampa at kumapit sa kabila ng paghihigpit ng mga awtoridad.

Kasunod din ito ng mga impormasyon na nagkaroon nga ng pagkasira maging sa tali ng Andas dahil sa dami ng taong nagkakahilahan kahapon habang nasa Arlegui Blvd.


Samantala, sinabi rin ng simbahan na anumang oras ay maaari nang maibalik ang Poong Itim na Nazareno sa kanyang lagayan sa sanctuaryo ng simbahan.

Wala na rin anilang pahalik na ginagawa ngayon sa Andas pero pwede pa rin itong masilayan ng publiko sa harap ng simbahan.

Facebook Comments