Saturday, April 4, 2026

HIGIT 200 KATAO, NAKIBAHAGI SA BLOOD DONATION DRIVE SA DAGUPAN CITY

Mahigit 200 katao ang nagbahagi ng dugo sa isinagawang Blood Donation Drive ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng City Health Office katuwang ang Philippine Red Cross noong Pebrero 20, 2026.

Ayon sa ulat, bahagi ito ng programang “Patak ng Pag-Asa” na naglalayong mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan sa lungsod.

Kaugnay nito, personal na binisita ng alkalde ang aktibidad kasama ang mga kinatawan ng City Health Office at medical team upang tiyakin ang maayos at ligtas na bloodletting operation.

Nakiisa rin ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa pagpapanatili ng kaayusan sa aktibidad.

Ayon sa pamahalaang lungsod, malaking bahagi ang partisipasyon ng publiko sa patuloy na pagpaparami ng suplay ng dugo sa mga pampublikong ospital.

Facebook Comments