Higit 200 Milyong Pisong Quick Response Fund, inihanda na ng DA,15 Milyong estudyante, naapektuhan ng Bagyo

42

Inihanda ng Department of Agriculture (DA) ang 255 Million Pesos Quick Response Fund.

Ito ang pondong gagamitin sa pinsalang maiiwan ng Bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura.


Sa taya ng DA, aabot sa 156,000 na ektarya ng palayan ang inaasahang maaapektuhan.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, nasa 11 Bilyong Piso ang naisalbang palay dahil sa maagang pag-abiso sa mga magsasaka na nagbunga ng maagang pag-ani sa kanilang sinasaka.

Sinabi naman ni Education Sec. Leonor Briones, nasa 15 Milyong estudyante ang apektado sa 143 Divisions.

Nasa higit 100 eskwelahan naman ang ginagamit bilang Evacuation Centers sa Bicol Region.

Facebook Comments

From Advertisers