Cauayan City, Isabela- Pormal nang nagsimula ngayong araw, Nobyembre 16, 2021 ang pagsasanay ng 242 na mga bagong rekrut na sundalo ng 5th Infantry Division, Philippine Army.
Ang 242 na bagong batch ng mga magsasanay sa Division Training School ng 5ID ay kabilang sa Candidate Soldier Course Class 692 at 693 – 2021.
Binubuo ito ng 133 na dating Cafgu Active Auxiliary (CAA), 28 na skilled, 77 na miyembro ng Indigenous Peoples (IP) at apat (4) na Medical Allied.
Ang mga bagong privates ay sasailalim ng 16 Linggong Basic Military Training at pitong (7) Linggo na pagsasanay para sa Infantry Orientation Course (INFOC).
Samantala, hinamon naman ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID ang mga bagong Private na ikondisyon ang kanilang pag-iisip sa kanilang bagong tinahak na pamumuhay na siyang susubok sa kanilang kakayahan at pagkatao.