HIGIT 200 NA KATAO, NAARESTO SA ISINAGAWANG OPERASYON NG AWTORIDAD KONTRA ILEGAL NA PAGSUSUGAL

Nasa 229 katao ang naaresto ng Police Regional Office 1 mula sa tuloy-tuloy na isinagawang operasyon kontra ilegal na pagsusugal sa rehiyon uno.
Mula June 1 hanggang August 31, naisagawa ang nasa 50 operasyon at nakumpiska mula sa mga naaresto ang kabuuang 119,259.75 pesos na bet money.
Bahagi ang patuloy na operasyon na ito sa pagpapaigting ng pulisya sa pagpuksa ng ano mang uri ng ilegal na pagsusugal.
Binigyang diin ni Regional Director PBGEN Dindo R. Reyes na hindi nila hahayaan na lumaganap ang mga iligal na sugal sa rehiyon dahil sumisira ito sa moralidad ng isang komunidad at nagiging ugat pa ng mga krimen.
Kabilang rin sa mga hindi palalampasin at mamanmanan ng awtoridad ay mga peryahan at ilang amusement park na posible umanong gamitin para maging pasugalan.

Pinaalalahanan rin ang mga operator at publiko sa kaakibat na mabigat na parusa kung sakaling mapatunayan na walang kaukulang permit mula sa pamahalaan ang mga pinapatakbo o pakikilahok sa mga pagsusugal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments