Higit 200 Pamilya na nakatira sa Peligrosong Minahan, Inilikas sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Aabot sa higit 200 pamilya ang iligal na naninirahan sa peligrong lugar na bahagi ng Barangay Runruno sa Nueva Vizcaya ang nangakong lilisanin ang lugar dahil sa banta ng landslide at upang magkaroon ng bagong lilipatan na ihahanda ng gobyerno.

Ayon kay Edgar Martin, Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO), nagtulong-tulong na sila para boluntaryong tanggalin ang mga tirahan ng residente makaraang bayaran ito ng FCF minerals corporation kung saan sakop ito ng small scale miners kasama ang napagkasundaang Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) sa pagitan ng national government.

Dagdag pa ng opisyal, nagsasagawa rin ng small scale mining ang nakatira sa lugar kung saan ilang bahagi ng kabundukan ang nakakalbo at upang bigyang daan ang iba pa nilang tanim na halaman.


Karamihan naman sa mga evacuees ay nagsibalik na sa kani-kanilang mga bahay sa Barangay Poblacion habang ang iba naman ay pansamantalang nanirahan sa mga kaanak nila sa Barangay Runruno.

Matatandaang 10 katao ang naitalang patay makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Runruno dahil sa pinsala ng Bagyong Ulysses.

Hiniling naman ng mga naninirahan sa gobyerno na pagkalooban sila ng lugar upang makapagsimula sila ng kanilang pangkabuhayan.

Inihayag naman ni Mayor Dolores Binwag na naglaan na ang lokal na pamahalaan ng pondo para sa gagawing tirahan ng mga mga umalis na residente na sumailalim sa assessment ng DENR-Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB).

Samantala, inihahanda na ng Provincial Legal Office ang mga listahan para sa halaga ng kanilang property mula sa dating tirahan.

Magsisilbi naman itong basehan para sa compensatory settlements ng mga hindi pa nababayaran ng FCF Minerals Corporation kung saan may inisyal ng 245 residente ang binayaran ng korporasyon.

Tiniyak naman ni James Carmichael, FCF Minerals Corporation Country Manager na handa silang bayaran ang mga ito ng tama.

Facebook Comments