Sumampa na sa 222 ang patay dahil sa tsunami na idinulot ng pagsabog ng ‘Anak Krakatau’ volcano sa Sunda Strait Indonesia.
Ang ‘Anak Krakatau’, ay isang aktibong bulkan sa pagitan ng Java at Sumatra.
Ayon kay Disaster Mitigation Agency Sutopo Purwo Nugroho – daan-daang bahay at gusali ang lubos na napinsala.
Daan-daang residente na rin ang lumikas sa mataas na lugar.
Aabot naman sa 843 ang sugatan habang 28 pa ang nawawala.
Kwento ng mga residente na wala silang natanggap na babala o nakitang senyales na magkakaroon ng tsunami o lindol.
Ipinag-utos na ni Indonesian President Joko Widodo ang lahat ng government agencies na ipatupad ang emergency response.
Inihayag naman ni Vice President Jusuf Kalla na inaasahang lalaki pa ang bilang ng mga nasawi.