Higit 200 proyekto ng pamahalaan, nakalinyang tapusin sa ilalim ng PPP Center

Iniulat ng Malacañang na nasa 224 proyekto pa ng pamahalaan ang nakalinyang gawin sa ilalim ng Public-Private Partnership Center.

Kasama dito ang Ninoy Aquino International Airport, Laguindingan International Airport, at ang Metro Rail Transit Line 7.

Nasa 175 projects din ang nasa pipeline.


Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sisikapin ng pamahalaan na matapos ang mga ito bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa katunayan aniya, may ilang proyekto nang inaasahan na matatapos ngayong taon hanggang sa 2026.

May ilang external factors lang aniya na nagiging sanhi ng pagkaantala sa implementasyon tulad ng isyu sa right-of-way na tinutugunan naman ng pamahalaan.

Matatandaang nauna na ring inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council na bumuo ng right-of-way office.

Facebook Comments