Higit 200 registrants, naserbisyuhan ng Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila sa matagumpay na Kabisig Expo and Trade Fair

Napagsilbihan ng Radyo Trabaho booth ng DZXL RMN Manila ang nasa 226 registrants sa tatlong araw na matagumpay na Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair.

Bukod dito aabot sa lima ang maswerteng nakakuha ng Radyo Trabaho wall clock.

Nadagdagan din ang mga nagnanais maging brodkaster sa DZXL.


Si Ernesto Manzanilla II, nagtapos ng kurso sa broadcasting at matagumpay na nagampanan ang kanyang naising magsilbi bilang tinig ng katotohanan sa lalawigan ng Northern Samar.

Subalit sa murang edad, kinapos sa taglay na tapang upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

Si Ernesto ay pumasok muna sa call center at ilang taong pagtatrabaho rito ay nakabisado na niya ang galawan sa industriya.

Ang DZXL RMN Manila ay official radio partner ng naturang aktibidad.

Facebook Comments