Aabot sa 258 indibidwal mula sa bayan ng Sta. Barbara mula sa iba’t ibang barangay ang napiling benepisyaryo ng panibagong batch ng TUPAD Program o Tulong Panghanapbuhay para sa ating Displaced Workers ng national government.
Ang mga benepisyaryo ay dumalo sa isinagawang orientation na inorganisa ng lokal government unit katuwang ang DOLE R1-Central Pangasinan.
Ang TUPAD Program ay isang community based program o sa bawat barangay o munisipalidad na inilaan para sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers na aabot sa sampung araw o hanggang tatlumpung araw na nakadepende sa kanilang ginagawang trabaho.
Samantala, ang nabanggit na mga TUPAD beneficiaries ay ikalawang batch na natulungan at umaasa ang lokal na pamahalaan na mayroon pang susunod na batch.