HIGIT 2,000 AUTOMATED COUNTING MACHINE, DUMATING NA SA PANGASINAN

Dumating na ang 2, 689 na Automated Counting Machines (ACMs) at 491 contingency units sa Pangasinan na gagamitin sa Midterm Elections.

Pasado alas dos ng madaling araw kahapon nang dumating ang dalawang track lulan ang mga ACM’s sa Isang warehouse sa Old De Venecia Highway sa Dagupan City.

Ayon Kay COMELEC Region 1, Acting Regional Director, Atty. Reddy Balarbar, ang mga naturang ACM’s ay idedeliver sa district 4,5 at 6.

Nanguna naman sa pagbubukas ang COMELEC, PPCRV Lingayen-Dagupan at PNP.

Tinitiyak naman na maayos at ligtas ang lugar na pinaglagakan ng mga ACMs habang hinihintay na lamang ang mismong araw ng halalan.

Isasagawa ang final testing at sealing ng mga ACM’s sa May 6 bilang pagsisiguro sa maayos at patas na halalan.

Samantala ang ilan pa sa ACMs na gagamitin ng District 1, 2, at 3 ay ilalagay naman sa sa isang warehouse sa Alaminos City.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments