Tinatayang aabot sa mahigit 2,000 healthcare workers ang nakatanggap na ng booster shots nang magsimula ang rollout nito noong Miyerkules.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot na sa kabuuang 2,488 ang naturukan ng third dose kontra sa sakit.
Sa naturang bilang, nasa 2 percent lamang ang nakaranas ng adverse events tulad ng pananakit sa parteng binakunahan, lagnat at pagtaas ng blood pressure kung saan wala namang naospital.
Sa kabila nito, patuloy nilang ine-evaluate kung ilang healthcare workers ang tumanggap ng homologous at heterologous ng booster COVID-19 dose.
Dagdag pa ni Vergeire, ilalabas nila ang datos kapag matapos ang kanilang pagsusuri.
Ang heterologous booster ay ang pagturok ng magkaibang brand ng booster kumpara sa naunang dalawang dose na itinurok sa pasyente.
Habang ang homologous naman ay nakatanggap ng booster na kaparehas sa brand na unang itinurok sa kanila.