Umabot na sa higit 2,000 pamilya sa Quezon province ang apektado ng Bagyong Pepito.
Batay sa situation report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 4, nasa 2,312 pamilya o 5,783 individuals ang apektado, kabilang ang mga nasa labas ng evacuation centers.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa mga bayan ng Lopez, Calauag, General Luna, Gumaca at Tagkawayan.
Nakapagtala na rin ng ilang pagbaha sa mga bayan ng Lopez, kasunod sa Tagkawayan, Catanauan, Buevavista, Calauag at bayan ng Quezon.
Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa General Luna, Catanauan, Lopez, Padre Burgos at Guinayangan.
Facebook Comments