Higit 2,500 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan ayon sa Philippine Coast Guard

Nasa 2,554 na pasahero, drivers at cargo helpers ang naitalang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region, North Eastern Mindanao, Eastern at Central Visayas ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Bukod dito, umaabot na sa 50 na vessels at 1,104 rolling cargoes ang istranded na rin sa mga pantalan dahil sa bagyong Bising.

Base pa sa datos ng PCG, nasa 56 naman na iba pang vessel at 53 motorbancas ang pansamantalang tumigil muna sa kanilang biyahe at nakikisilong sa iba’t-ibang pantalan dahil sa epekto ng bagyo.


Patuloy namang nakamonitor ang PCG sa epektong dulot ng Bagyong Bising habang pinapaalalahanan nila ang kanilang tauhan na manatiling nakaalerto at siguraduhin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments