Mga Kabataan sa Tuguegarao City, Nagtayo na rin ng Community Pantry

Cauayan City, Isabela- Nagtayo na rin ngayong araw ng Community Pantry ang mga kabataan ng Tuguegarao City partikular sa bahagi ng Coreshelter sa Barangay Annafunan East.

Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga residente sa lugar na kung saan mayroon silang pagkakataon na kumuha ng naaayon sa kanilang pangangailangan.

Ang itinayong Pantry ay layon din na anyayahan ang sinuman na may kakayahang makapagdonate ng mga pangunahing pangangailangan o pagkain para sa mga higit na nangangailangan.


Ang grupo ay pinangunahan ni Christopher Louis Batulan.

Facebook Comments