Higit 2,000 residente, inilikas matapos ang pag-a-alburoto ng Mount Semeru sa Indonesia

Photo Courtesy: The Weather Channel

Inilikas na ang higit 2,000 residente na malapit sa Mount Semeru sa Indonesia matapos ang pag-a-alburoto nito.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga tao na manatili sa 8 kilometers ang layo, habang nagiging aktibo ang Mount Semeru.

Una nang itinaas ng Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG) sa Alert Level 4 ang nasabing bulkan dahil sa pagbuga ng volcanic ash na sinabayan pa ng pag-ulan.


Matatandaang, huling naging aktibo ang Mount Semeru noong 2021 na ikinamatay ng 50 indibidwal.

Matatagpuan ang Mount Semeru sa East Java na tinawag din na “The Great Mountain” na siyang pinakamataas na bulkan sa Indonesia.

Facebook Comments