Halos dalawang pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, sasalubong sa mga motorista bukas!

Good news sa mga motorista!

Kasado na ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis bukas, December 6.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng P1.95 na price rollback sa kada litro ng gasolina; P1.90 sa diesel at P1.65 sa kerosene.


Ganito rin ang ipatutupad ng price adjustment ng Petro Gazz, maliban sa kerosene.

Ang panibagong tapyas-presyo ay bunsod ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa China, mas mataas na imbentaryo ng krudo sa Amerika at price cap na ipinataw sa langis ng Russia.

Facebook Comments