Cauayan City, Isabela-Umaabot sa kabuuang 2,026 beneficiaries ang tumanggap ng cash assistance at bigas mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pangunguna ni Governor Rodito Albano III at iba pang opisyal.
Nabiyayaan naman ng Nego-Kart mula sa DOLE ang piling mga benepisyaryo upang makapagsimulang magnegosyo.
Inihayag naman ni DOLE Provincial Director Evelyn U. Yango sa mga Nego-kart beneficiaries na siguraduhin ang ikalalago ng kanilang negosyo upang madagdagan pa ng ahensya ang kanilang kapital sa pangkabuhayan.
Samantala, nagpasalamat naman si Gov. Albano sa kanyang mga kababayan sa suportang ibinibigay sa kanya at sa buong pamilya gayundin ang pagtiyak na ibabalik ito sa pamamagitan ng buong pusong serbisyo publiko.
Inihayag rin ng Gobernador ang mga parating pang programa at proyekto ng PLGU para sa lahat ng Isabeleños at iginiit pa rin ang pagpapaalala na magpabakuna laban sa COVID-19.
Natapos na ang huling pamamahagi ng tulong pinansyal sa Tulong Pangkabuhayan para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Cabagan, Isabela.