Higit 20,000 Santiagueño, Nabakunahan na sa 1st at 2nd dose kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 16,307 ang naitalang nabakunahan kontra COVID-19 ng lokal na pamahalaan ng Santiago para sa 1st dose habang 3,994 naman sa 2nd dose as of June 25, 2021 na pawang Astrazeneca at Sinovac vaccine ang naiturok sa mga kabilang sa listahan ng priority group.

Sa ulat ni City Mayor Joseph Tan, patuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna ng mga health workers para matiyak ang kaligtasan ng mga Santiagueño laban sa virus.

Kaugnay nito, nasa 97.87% ang nabakunahan sa A1 priority group (health workers), 49.80% naman sa A2 (senior citizen) habang 103.14% ang nabakunahan na sa A3 priority group o edad 18-59 na may mga comorbidities.


Samantala, muli namang nagpaalala si Mayor Tan sa publiko na sundin pa rin ang umiiral na health protocol kasunod ng pagbaba sa quarantine status ng lungsod na General Community Quarantine.

Ipinagmalaki rin ng opisyal ang ilang establisyimento gaya ng kilalang mall sa siyudad maging ang buong bisinidad ng city hall matapos gawaran ng safety seal o katunayan na sumusunod sa ipinatutupad na minimum health protocol ang mga ito.

Facebook Comments