Healthcare worker sa nag-viral na video ng pagbabakuna, hindi dapat husgahan agad

Pabor si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mungkahing imbestigahan ang nag-viral na video ng pagbabakuna kung saan hindi nadiinan ang syringe kaya walang bakunang pumasok sa binabakunahan.

Pero ayon kay Go, posibleng sa dami ng binabakunahan ay pagod na ang healthcare worker sa video kaya nagkaroon ito ng hindi sinasadyang pagkakamali.

Dahil dito ay sinabi ni Go, hindi dapat agad sobrang sisihin ang healthcare worker sa video dahil makikita naman na ginawa nito ang lahat ng proseso pero may nakaligtaan gawin.


Diin pa ni Go, wala namang perpekto at lahat tayo ay nagkakamali pero ang mahalaga ay naitatama ito sa bandang huli at nagkakatulungan upang hindi na maulit muli.

Facebook Comments