Higit 209 kilo ng double na dead na karne, nasabat ng mga otoridad sa isang palengke sa Maynila

Nasabat ng Manila City Government meat inspectors ang nasa 263 kilo ng mga ribs ng baboy na pinag-hihinalaang double dead o botcha sa New Antipolo Market sa Blumentritt, manila kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Dr. Nick Santos, hepe ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB), ang mga nasabing karne ay may mabaho nang amoy at iba na din ang kulay kumpara sa sariwang katay.

Bukod dito, hindi maaayos ang pagkakalagay o lalagyan nito kung saan tila pinabayaan na lamang.


Sinabi pa ni santos na malinaw na lumabag ang mga may-ari sa Republic Act No. 10611 o anv Food Safety Act kasama na ang Republic Act No. 10536 o ang “Meat Inspection Code of the Philippines.”

Ang mga nasabat na botcha ay agad na kinumpsika kung saan ang nasabing hakbang ng lokal na pamahalaan ng maynila ay para maprotektahan ang publiko hinggil sa mga mapagsamantalang negosyante ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Facebook Comments