Pinsala sa Agrikultura na bagyong Ramon sa Region 2, halos nasa P2 Million na

Abot na sa P1.8 Million ang damages at losses ng mga pananim na mais sa Region 2 na dinaanan ni bagyong Ramon.

Base sa ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Operation Center ng DA kabuuang 252 ektarya ng lupang sakahan at 148 na mga magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Karamihan sa mga corn crops ay nasa seedling at vegetative stage na ng masalanta.


Wala pang ulat na natanggap ang DA kaugnay naman sa pinsala sa rice areas.

Ayon sa Pagasa, naglandfall si bagyong Ramon kahapon ng hatinggabi sa Sta.Ana, Cagayan.

Sa ngayon patuloy pa rin ang monitoring at validation ng DA regional field office 2 para i-assess naman ang lawak ng pinsala ni Bagyong Ramon sa Agri-Fishery sector.

Facebook Comments