Higit 216K violator sa NCR, naitala ng PNP

Umabot na sa 216,565 ang naitalang lumabag sa pagpapatupad ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) matapos madagdagan ng 8,706 na bagong violators.

Batay sa Philippine National Police (PNP), 10,940 violator araw-araw ang naitatala mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 5.

Sa nasabing bilang, 53% ang nabalaan, 41% ang napagmulta at 6% ang naparusahan.


53,302 ang naitalang lumabag sa minimum public health standards habang 60,849 ang curfew violator.

Nasa 2,414 naman ang hinuli matapos hindi ikinokonsiderang Authorized Persons Outside Residence (APORs) ng awtoridad.

Facebook Comments