HIGIT 22,000 PAMILYA SA REGION 2, NABIGYAN NG TULONG PANGKABUHAYAN

Cauayan City – Umabot sa 22,744 na pamilya sa Rehiyon Dos ang nabigyan ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) para sa taong 2024.

Sa kabuuan, P257,590,000 ang naipamahagi upang suportahan ang mga proyekto ng mga benepisyaryo.

Ang SLP ay isa sa mga pangunahing programa ng DSWD na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong para sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan, kasanayan, at karanasan.


Ang layunin ng SLP ay matulungan ang mga benepisyaryo upang magkaroon ng mad produktibong hanapbuhay at negosyo, sa pamamagitan ng mga pagsasanay, suporta sa pagbuo ng negosyo, at iba pang serbisyong tumutugon sa pangangailangan nila na magbibigay-daan sa kanilang mas maayos na pamumuhay.

Ngayong taon, patuloy na nagsusumikap ang DSWD upang matiyak na mas maraming Pilipino ang makakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa SLP, alinsunod sa kanilang misyon na paunlarin ang kalidad ng buhay ng bawat isa.

Facebook Comments