Panibagong 23,074 recoveries ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw, dahilan kaya sumampa na sa 184,687 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Nakapagtala rin ng 2,839 panibagong kaso ng sakit sa Pilipinas, kaya umakyat na ang kabuuang bilang ng kaso sa 237,365.
Sa nasabing bilang, 48,803 ang aktibong kaso, kung saan 88.6% dito ay mild, 8.0% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 2.0% ang nasa kritikal na kondisyon.
Pinakamarami sa mga ito ay naitala sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,170; sinundan ng Negros Occidental na may 195; Laguna, 190; Cavite, 182 at Rizal, 154.
Kasabay nito, umakyat na sa 3,875 ang nasawi sa sakit matapos madagdagan ng 85 ngayong araw.
Samantala, isang Pinoy ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, sumampa na sa 10,117 ang mga Pilipinong nagpositibo sa sakit sa abroad.
Habang nananatili sa 6,284 ang recoveries at 3,075 ang nagpapagaling.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga Pinoy na nasawi dahil sa COVID-19, kaya nananatili pa rin ito sa 758.