Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase sa October 5, nakapagtala na ang Department of Education (DepEd) na umabot na sa 24.72 million na estudyante na ang nag-enroll sa basic education level.
Batay sa national enrollment data mula nitong October 1, naabot ng DepEd ang 89.01% ng enrollment ng School Year (SY) 2019-2020.
Ang kasalukuyang enrollment turnout na nasa 24,720,714 students para sa public at private schools.
Nasa higit 22.5 million na estudyante ang magsisimula na ang kanilang klase sa Lunes.
Ang enrollment naman sa private schools ay nasa 2,165,196 o 50.30% ng SY 2019-2020 enrollment.
Ang may pinakamataas na enrollees ay mula sa Calabarzon na nasa 3.4 million kasunod ang National Capital Region (NCR) na nasa 2.6 million at Central Luzon na nasa 2.5 million.