Umabot na sa 24.44 million na estudyante ang nakapag-enroll para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa October 5.
Ito ang datos ng Department of Education (DepEd) mula kahapon September 14.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang total enrollment sa public at private school ay 88.03% ng enrollment turnout noong School Year 2019-2020.
Hindi aniya nila inaasahan ang datos lalo na sa mga hamong dala ng COVID-19 sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, 22.31 million na estudyante ay naka-enroll sa public schools at 2.08 million students naman sa private schools.
Pagtitiyak din ni Briones na handa ang mga guro kasabay ng transition patungong new normal.
Ang lahat ng Regional Offices at Schools Division Offices ay puspusan nang nagtatrabaho para matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
Sa ilalim ng Brigada Eskwela program, mayroong 108 partners ang DepEd para tumulong sa kanila na ihanda ang mga eskwelahan sa pasukan sa harap ng pandemya.