Mahigit 24,000 indibidwal na ang apektado ng panibagong pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Cagayan, may kabuuang 7,052 na pamilya na binubuo ng 24,446 na indibidwal ang patuloy na naaapektuhan ng pagbaha.
Sa interview ng RMN Manila kay Cagayan Governor Manuel Mamba, dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng Bagyong Vicky, baha na sa mga lungsod ng Tuguegarao, Alcala, Amulung, Baggao, Ballesteros, Solana, Enrile, Lal-Lo, Camalanuigan, Lasam, Iguig at Aparri.
Ayon kay Mamba, inaasahang sa January 2021 na huhupa ang baha sa kanilang probinsya kaya magdiriwang sila ng basang Pasko at Bagong Taon.
Nabatid na tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam sa Isabela.
Facebook Comments