Nasa higit 242,000 na mga drayber ng pampublikong sasakyan ang nakatanggap na ng tulong pinansiyal mula sa ₱1.7 billion na emergency cash subsidies ng pamahalaan.
Sa ilalim ito ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, 242,453 Public Utility Vehicle (PUV) drivers na ang nakatanggap ng second tranche ng SAP hanggang sa ngayon.
Kabilang aniya ang mga nasabing driver sa kabuuang 13,858,552 na Pilipino na benepisyaryo ng SAP kung saan ₱82.7 billion na ang kanilang nailabas na pondo para sa programa ng ahensiya.
Facebook Comments