Higit 25,000 pasahero, naitalang bumiyahe ng PCG sa mga pantalan

Umaabot sa higit 20,000 pasahero ang naitalang bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa sa nakalipas na magdamag.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 25,482 ang bilang ng mga bumiyahe sa mga pantalan.

Sa nasabing bilang, 13,452 outbound passengers at ang 12,040 inbound passengers.


Nasa 127 vessels at 130 motorbanca naman ang sumailalim sa inspeksyon ng PCG kung saan nakabantay ang bawat personnel sa 15 distrito ng Coast Guard.

Nananatili pa rin nakabantay at nakamonitor ang PCG sa lahat ng pantalan sa bansa habang nasa ‘heightened alert’ pa rin ang kanilang tanggapan hanggang January 7, 2023.

Hinihikayat naman ng PCG ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang official Facebook page o kaya tumawag sa Coast Guard Public Affairs sa numerong 0927-560-7729 para sa ibang katanungan, concerns at paglilinaw hinggil sa mga sea travel protocol at iba pang regulasyon na ipinapatupad ngayong holiday season.

Facebook Comments