PBBM, naniniwalang nasa landas para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng Pilipinas

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na positibo ang tinatahak ng bansa para tuloy-tuloy na pagbangon nito.

Sa pinakahuling vlog ng presidente kasama si Vice President Sara Duterte, sinabi nitong importante ang nagkakaisang bayan ay para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng bansa.

May mga pagsubok man na dumating ayon kay Pangulong Marcos ay nagawa naman nitong harapin at mapagtagumpayan.


Maituturing ayon sa pangulo na isang mapagpalang 2022 ang lumipas para sa kanya at sa bawat pamilyang Pilipino.

Una nang hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na manatiling matatag at nagkakaisa ngayong humaharap na sa panibagong taon ang bawat isa kalakip ang paghingi ng gabay sa dakilang lumikha upang makamit ang mas maayos at masaganang bukas.

Facebook Comments