Umakyat na sa 58.2 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa bilang na ito, 17.8 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 34.74% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.
Katumbas ito ng 26.8 million na mga Pilipino.
Sa Metro Manila naman, 86.93% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na o katumbas ng 8.4 million na mga Pilipino.
Habang 95.89% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.
Ayon sa kalihim, kahapon ay nasa 718, 033 daily jabs ang naitala o bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa, sa loob lamang ng isang araw.