Higit 280,000 na pamilya, nabigyan na ng mga food boxes ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa buwan ng Mayo

Umaabot sa higit 280,000 na pamilya mula sa District 1 at 2 ang nabigyan na ng mga food boxes ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila.

Ito’y para sa buwan ng Mayo kung saan bahagi ito ng COVID-19 Food Security Program (FSP) ng Manila City Government.

Ang nasabing pamamahagi ay sa loob lamang ng limang araw at bawat kahon ay naglalaman ng tatlong kilong bigas, 16 na delatang sardinas at mga sachet ng kape.


Target ng lokal na pamahalaan na mabigyan ang nasa higit 700,000 na residente sa lungsod sa lalong madaling panahon at kanilang ipagpapatuloy ngayong araw ang pamamahagi nito sa bawat barangay.

Nabatid na ang programang ito ng lokal na pahalaan na pinondohan ng tatlong bilyung piso ay may layuniing matulungan ang mga residente sa lungsod gayundin ang mga nangungupahan na lubos na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments