Umabot na sa 2, 227 na Barangay sa Ilocos Region ang idineklarang drug cleared base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Ayon kay PDEA Ilocos Region, Regional Director, Bryan Babang, mayroon pang natitirang 702 na barangay sa rehiyon ang apektado ng droga.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang aktibidad ng ahensya upang maasisitihan ang mga lokal na pamahalaan upang maging drug cleared.
Sa ngayon mayroon nang 22 balay silangan para sa mga drug offenders sa rehiyon.
Ang mga balay silangan sa rehiyon ay mayroong 214 kliyente at 74 dito ang nakagraduate na.
Facebook Comments