HIGIT 2K NA BAGONG BENEFICIARIES, INAASAHANG DADAGDAG SA 4PS SA DAGUPAN CITY

Nasa higit dalawang libo na mga bagong beneficiaries ang inaasahang maidadagdag sa programa ng Department of Social Welfare and Development na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS.
Ito ay matapos maisagawa ang validation process ng ahensyang DSWD sa mga potensyal na benepisyaryo na nagpakita ng mga kaukulan at kinakailangang dokumento upang maging kwalipikado sa programang 4Ps.
Ilan pang natitirang barangay ay sasailalim din sa masusing validation process bukas Feb. 17, 2023 sa Dagupan City People’s Astrodome.

Samantala, sa buong Region 1 nasa kabuuang bilang na 56, 750 na mga bagong benepisyaryo ang inaasahang dadagdag sa listahan ng mapapabilang sa 4Ps. |ifmnews
Facebook Comments