SMOKE FREE AKLAN OFFICIAL BUMISITA SA BAYAN NG BURUANGA

Buruanga, Aklan – Bumisita si Nuelia Zaldivar ng Smokefree Aklan kasama ang kanyang mga staff sa Municipal Health Office MHO-Buruanga para pagsamahin at tapusin ang resulta ng isinagawang Global Adult Tobacco Survey sa mga munisipalidad. Binisita din nila ang Buruanga Municipal Hospital para hikayating ipasa ang kanilang institusyon sa Red Orchid Award ROA Validation bilang smoke free hospital. Ang Global Adult Tobacco Survey (GATS) ay isinasagawa para irekord ang mga adult na naninigarilyo at ang gumawa ng hakbang para makontrol ang paggamit nito.
Ang GAT Survey results din ang binabasehan para ipahayag, na ang isang bayan ay smokefree para naman magawaran ng Department of Health DOH ng Red Orchid Award dahil sa epektibong Anti-Smoking campaign ng mga munisipalidad.
Facebook Comments