
Nakatanggap ang nasa 2180 na mga magsasaka sa bayan ng San Quintin ng Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture.
Lubos naman itong makatutulong sa mga magsasaka ng bayan dahil tumaas na rin ang mga farm inputs ngayon.
Samantala, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga katuwang na ahensya upang makatanggap pa rin at mapakinabangan ng mga magsasaka ang mga programang makatutulong sa kanila.
Gagamitin naman ng mga magsasaka ang nakuhang ayuda sa pagbili ng mga kakailanganing mga kagamitan sa pagsasaka nang mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments






