Higit 2K toneladang basurang ilegal na itinambak sa Pilipinas, ibinalik na sa SoKor

Ibinalik na sa South Korea ang 60 container na naglalaman ng 2,400 metric tons ng basura.

Ang nasabing shipment ay bahagi ng 5,000 metric tons ng household waste at plastic shreds na dumating sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental noong Hulyo 2018.

Ang mga natitirang basura ay ibabalik sa Pebrero a-nuebe, at isasakay ito sa isang international shipping vessel na inasikaso ng South Korean Government.


Ayon kay Bureau of Customs Region 10 District Collector John Simon – kinasuhan naman ang tatlong Korean officials na consignee ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation dahil sa paglabag sa importation laws.

Maliban sa 5,000 metric tons, mayroon ding 1,500 metric tons ng basura ang nasamsam sa Mindanao container terminal na una nang ibinalik sa South Korea nitong Enero 2019.

Facebook Comments