Sa isinagawang pagpupulong ng Mine Rehabilitation Fund Committee (MRFC) sa Santiago City, Isabela, naiulat na umabot sa 131.92 % ang pagiging compliant ng kumpanya sa kanilang obligasyon na palitan ng dalawang ektarya ang bawat isang ektaryang nasirang kagubatan sa kanilang mining operation.
Sa kanilang ginagawang compliance, kailangan din nilang magtanim ng 100 na puno kapalit ng bawat isang puno na puputulin sa kailang mining operation.
Nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DENR sa pangunguna ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa naturang mining company na palitan ang mga pinutol na puno sa kanilang operasyon sa bawat inaprubahan na Special Tree Cutting and Earth-Balling Permit na inisyu ng ahensya.
Sinabi din ni RED Bambalan na ang rehabilitasyon ng mga minahan ay bahagi ng responsableng pagmimina.