Higit 3.6 million indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Odette

Pumalo pa sa 3,600, 292 na indibidwal o 927,554 families ang naapektuhan ng Bagyong Odette mula sa 5,704 barangay.

Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 304,234 indibidwal o 76,383 pamilya ang nananatili sa 1,246 na evacuation centers matapos manalasa ang Bagyong Odette.

Habang nasa 70,042 pamilya o 243,288 indibidwal ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.


Nasa 317,591 kabahayan ang nasira ng bagyo kung saan 107,682 ang totally damaged habang 209,909 ang partially damaged.

Umabot na sa mahigit P93.2 million ang naipamahaging humanitarian assistance DSWD, Local Government Units at mga non-government organization sa mga nabiktima ng bagyo.

Facebook Comments