Sharing ng blessings sa mga biktima ng Bagyong Odette at pandemya, panawagan ng isang senador

Ngayong Pasko ay nananawagan si Senator Richard Gordon sa lahat na magbahagi sa mga biktima ng Bagyong Odette ng mga biyayang kanilang natanggap.

Ayon kay Gordon, dahil sa COVID-19 pandemic at hagupit ng kalamidad ay maraming nahihirapan at hirap maging masaya.

Giit ni Gordon, magiging lubos din ang ating ligaya kung ibabahagi sa nangangailangan ang biyayang bigay sa atin ng Panginoon.


Inihalimbawa ni Gordon ang ginawa ng pinamumunuan niyang Philippine Red Cross na nagpadala ng mga pagkain, at inuming tubig sa mga biktima ng bagyo.

Importante ayon kay Gordon na isabuhay natin ang tunay na diwa ng Pasko na mahalin ang kapwa at panatilihin natin ang Diyos sating puso.

Facebook Comments