Higit 3-K Bar takers pasado; 36.77% na passing rate, naitala ngayong taon

Inilabas na ng Korte Suprema ang listahan ng mga nakapasa sa Bar Examinations 2023 na ginanap noong Setyembre.

Nasa 3,812 sa 10,387 examinees ang nakapasa sa 2023 Bar Examinations.

36.77% naman ang naitalang passing percentage ngayong taon.


Mas mababa ito kumpara sa passing rate noong nakaraang taon 4.47%

Nanguna naman si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 89.2625%

Habang 2nd place si Mark Josel Padua Vivit ng Ateneo de Manila na nakakuha ng 89.1250%, at 3rd place si Frances Camille Altonaga Francisco ng San Beda na nakakuha ng 88.9125%

Samantala, itinanghal naman na Top Law School ang Ateneo de Manila University (ADMU), na sinundan ng San Beda University, University San Carlos, University of the Philippines (UP), at University of Santo Tomas.

Facebook Comments